Bilateral meeting ni Pangulong Marcos sa ibang lider sa Switzerland, malabo ayon sa DFA
Mahirap para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon ng bilateral meeting sa ibang world leaders sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland na gaganapin sa Enero 16 hanggang 20.
Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Carlos Sorreta na nasa 270 events ang gaganapin sa WEF.
Kung magkakaroon man aniya ng tsansa na magkaroon ng bilateral meeting, ito ay kung makakatabi sa isang kwarto ng Pangulo ang ibang lider.
Makikiisa rin aniya ang Pangulo sa high-level dialogue session kasama ang ibang lider gaya ng South Africa, prime minister ng Belgium, presidente ng European Commission at ilan pang Prime Ministers.
Mayroon din aniyang stakeholder dialogue patungkol sa nutrisyon at food security na aniyay napakahalaga para kay Pangulong Marcos.
Makikipagkita rin ang Pangulo sa Filipino community hindi lamang sa mga Filipino na nasa Switzerland kundi maging sa iba pang bahagi ng Europa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.