Grab pinagpapaliwanag ng LTFRB sa short trips ng TNVS

May limang araw na palugit ang Gran Philippines para magsumite ng paliwanag sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board ukol sa paniningil ng surge fee sa short trips ng mga TNVS na naka konekta sa kanilang application.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, kwestyunable ang paniningil ng Grab sa surge fee dahil wala naman itong basbas ng kanilang ahensya.

Sinasabi sa fare matrix na pinalabas ng LTFRB sa TNVS , aabutin lamang dapat ng hanggang P45 ang surge fee kung rush hour lamang  at hindi P85 na surge fee na sinisingil ng Grab sa mga pasahero kahit  short trips lamang.

Sa hearing inamin ng Grab na ang pagsingil ng surge fee ay batay sa algometry o kung mataas ang demand pero konti ang suplay ay mataas ang singil ng TNVS partners.

Ayon kay Atty Ariel Inton ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) hindi aprubado ng LTFRB at DICT ang  ganitong sistema ng Grab sa kanilang app.

Sinabi din ni Inton na dapat ay magpalabas na ng parameters ang LTFRB kung magkano ba talaga ang dapat na sisingilin ng Grab sa mga pasahero nito, ganu kalayo ang trips at sa anong oras o kung sa rush hour ba.

Nais din maliwanagan ni Inton kung Grab partners na naka online lamang ba ang maaaring gunamit ng kanilang app sa pagsingil ng mataas na surge fee.

Binatikos din ni Inton ang patuloy na paniningil ng mataas na surge fee ng Grab kahit patuloy pang dinidinig sa LTFRB ang usapin hinggil dito.

 

Read more...