‘Friday the 13th deadline’ sa paliwanag ng DA sa pagbili ng mahal na sibuyas

By Jan Escosio January 12, 2023 - 10:19 AM

Binigyan na lamang ng Office of the Ombudsman ng hanggang bukas, Enero 13, ang Department of Agriculture (DA) para maipaliwanag ang estado ng suplay at presyo ng sibuyas sa bansa.

Kasama din sa nais ng Ombudsman na maipaliwanag ay ang planong pag-aangkat ng libo-libong tonelada ng sibuyas sa kabila ng nalalapit na ang pag-ani sa mga lokal na sibuyas.

Inilabas ng Ombudsman ang kautusan noong Enero 9 at natanggap ng DA kinabukasan at binigyan ng tatlong araw si Sr. Usec. Domingo Panganiban ng tatlong araw para ipaliwanag ang suplay ng sibuyas sa bansa at ang napakataas na halaga nito.

Hindi na palalawigin pa ang palugit na ibinigay kay Domingo para sa kanyang paliwanag.

Nag-ugat ang hakbang ng Ombudsman sa pagbili ng DA, sa pamamagitan ng Food Terminal Inc., ng sibuyas sa halagang P537 kad kilo at ipinagbili na lamang ito ng P170 sa Kadiwa Stores.

TAGS: DA, FTI, imporation, ombudsman, sibuyas, DA, FTI, imporation, ombudsman, sibuyas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.