Aktibong partisipasyon ng LGUs para sa ‘Tatak Pinoy’  itinutulak ni Legarda

By Jan Escosio January 12, 2023 - 10:17 AM

Nais ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda  na mapagibayo pa ang partisipasyon ng mga lokal na pamahalaan para mapanatili ang mga tradisyong Pilipino.

Nais ni Legarda na mangyari ito sa pamamagitan ng ‘cultural mapping.’

Pagdidiin ng namumuno sa Senate Committee on  Culture and the Arts, napakahalaga na mapanatili ang mga angking kulturang Filipino at bigyan ng dahilan ang pagiging isang Filipino.

“I believe that culture is the narrative that binds us as a nation, and it is something we owe to our ancestors and heroes who built the Philippines as it is today. It is also important to protect our way of living and our heritage that we will also pass on to our children and our children’s children,” giit ng senadora.

Naghain ng panukala si Legarda, ang Senate Bill No. 622 na ang layon ay maamyendahan ang RA 10066, o ang  National Cultural Heritage Act of 2009, at gawing mandato ng LGU na magsagawa ng komprehensibong cultural mapping sa kanilang bayan o lungsod.

Gusto din ni Legarda na maging malinaw ang mga itinuturing at maituturing na ‘cultural assets.’

TAGS: kultura, LGU, tradisyon, kultura, LGU, tradisyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.