Sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na itutuloy nila ang pag-iimbestiga sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4.
Ito ay sa kabila ng pag-absuwelto ng Malakanyang sa mga reklamong administratibo ang apat na dating matataas na opisyal ng Department of Agriculture (DA) na may kinalaman sa sinasabing ilegal na pagpapalabas ng SO No.4.
Sa kautusan, aangkat ang bansa ng 300,000 metriko tonelada ng asukal.
Paliwanag ni Martires na sila ay isang’ independent body’ sa Malakanyang at wala silang kinalaman sa anuman sabihin ng pangulong ng bansa.
Inimbestigahan ng Ombudsman ang kontrobersiya kasabay ng pag-iimbestiga ng Senate Blue Ribbon Committee, na inirekomenda na makasuhan ang ilang mga opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.