Information board na nagsasaad ng karapatan ng mga pasahero, ipapaskil sa mga terminal

By Jan Escosio June 10, 2016 - 08:52 AM

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Binabalak na ng Land Transportation Franchising and Regulatory board (LTFRB) na magpaskil ng mga information board sa lahat ng terminals ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay LTFRB board member Atty. Ariel Inton, mababasa sa information board ang rights of passengers.

Aniya bunsod ito ng mga reklamo at sumbong na kanilang natatanggap mula sa mga pasahero hinggil sa pang-aabuso ng mga driver.

Aminado si Inton na nitong mga nakalipas na araw ay marami ang reklamo laban sa mga UV express partikular na ang pagbabawal sa mga matataba at mga lalaki na pumwesto sa frontseat ng sasakyan.

Gayundin aniya ang paniningil ng dobleng pasahe sa mga may katabaang pasahero.

Dagdag pa ng opisyal mababasa din sa ipapaskil na mga info board ang mga hotline numbers ng LTFRB kung saan maaring tumawag ang mga pasahero na may reklamo at sumbong.

 

 

 

 

TAGS: LTFRB to post information board inside terminals, LTFRB to post information board inside terminals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.