Internal cleansing, hindi na kailangan sa AFP

10_AFP-flags-lHindi na umano kailangan pang magpatupad ng internal cleansing ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) gaya ng gagawin sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay incoming AFP chief of staff Lt. Gen. Ricardo Visaya, wala siyang nakikitang dahilan para magpatupad ng paglilinis ng bakuran sa kanilang hanay.

Ani Visaya, mas disiplinado na ang military organization ngayon kung ikukumpara ito 25 years ago.

Paliwanag pa ng incoming AFP chief, dahil sa mga ipinapatupad na transformation sa kanilang hanay, nagbago na ang ginagawang pamamalakad sa AFP at lalo pa ito naging propesyunal na organisasyon.

Magugunitang sinabi ng pamunuan ng PNP na tuloy-tuloy ang internal cleansing sa kanilang hanay.

Ito ay kasunod ng pagsasabi ni President-elect Rodrigo Duterte na may tatlong kasalukuyang heneral sa PNP ang sangkot o protektor ng ilegal na droga.

 

Read more...