Last tranche ng taas-suweldo sa gov’t workers tiniyak ng DBM

Tataas na naman ang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno dahil sa  ikaapat at huling tranche ng Republic Act 11466 o Salary Standardization Law of 2019.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, malaking tulong sa mga manggagawa ang umento sa sahod.

“The government recognizes the indispensable role of its dedicated personnel in serving our beloved country. We are firmly committed to help them amidst rising prices of goods and services. We hope this latest salary increase will cushion the impact of inflation,” pahayag ni Pangandaman.

Nilagdaan na ni Pangandaman ang dalawang hiwalay na Budget Circulars para sa implementasyon ng fourth tranche ng Salary Schedule para sa  civilian personnel at local government unit (LGU) workers.

Saklaw ng RA 11466 ang lahat ng posisyon sa civilian personnel mapa-regular, casual, o contractual in nature, appointive o elective, full-time o part-time, na empleyado na nasa ehekutibo, lehislatura, hudikatura, constitutional commissions at iba pang constitutional offices; state universities at colleges (SUCs); at government-owned or controlled corporations (GOCCs) na hindi sakop ng RA 10149.

Pasok din ang mga salaried LGU personnel, mapa-regular, contractual o casual in nature, elective o appointive; full-time o part-time basis, at barangay personnel na nakatatanggap ng buwanang honoraria.

“President Bongbong Marcos directed us to conduct a study to ensure that the compensation of all civilian personnel will be generally competitive with those in the private sector doing comparable work to attract, retain, and motivate corps of competent and dedicated civil servants,” sabi pa ng kalihim.

 

 

Read more...