PBBM Jr., bumisita at nagbitbit ng mga tulong sa Misamis Occidental
Inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang National Housing Authority na maghanap ng resettlement area para sa mga residente na nawalan ng tahanan dahil sa matinding pagbaha sa Misamis Occidental.
Ginawa ng Pangulo ang utos matapos ang pagbisita sa Misamis Occidental.
“Nag-coordinate na kami sa National Housing Authority. ‘Yung mga bahay na totally destroyed, hahanapan natin ng resettlement area para magkaroon ng tirahan,” pahayag ng Pangulo.
Namahagi rin ang Pangulo ng tulong sa The Working Congressman Sports Complex sa munisipalidad sa Tudela.
Kapag may nahanap ng resettlement area, agad na magpapadala ang pamahalaan ng materyales para simulan ang pagpapatayo ng mga bahay.
Pinaayos din ng Pangulo ang flood-control structures dahil ito ang unang depensa saa baha at pag-apaaw ng mga ilog.
“Kaya naman titingnan natin ang lahat para gumawa tayo ng solusyon. Patuloy tayong maghuhukay sa mga ilog para gawing malalim, para hindi mabilis na – mabilis na lumabas ang tubig sa ilog at patuloy natin patitibayin ang mga flood control natin,” pahayag ng Pangulo.
Lasabay nito, natasan ng Pangulo ang DPWH na bilisan ang rehabilitasyon sa mga nasirang imprastraktura dahil sa pagbaha sa Misamis Occidental.
Utos din ng Pangulo sa DPWH na magsagawa ng pag-aaral kung paano maagapan ang pagbaha sa lugar.
Mungkahi ng Pangulo, humingi ng tulong sa Japan dahil malawak ang kaalaman nito sa baha.
Sa panukala naman ng mga lokal na opisyal ng Misamis Occidental, magtayo ng imprastraktura na magda-divert sa tubig na dumadaan sa ilog para maiwasan ang pagbaha sa bayan ng Clarin.
Nasa 76 na imprastraktura ang nasira na nagkakahalaga ito ng P132.14 milyon, samantalang napinsala naman ang may halagang P154.38 milyon sa agrikultura.
Kasama ng Pangulo sa pagbisita sa Misamis Occidental sina Department of National Defense (DND) Sec. Carlito Galvez Jr., DPWH Sec. Manuel Bonoan, at Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo Jr.
Nasa P16.04 milyong halaga ng ayuda ang ipinamahagi ng Pangulo. Hindi na siya nakapag-inspeksyon sa mga binahang lugar sa Ozamis dahil sa masamang lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.