Labis na hindi nagustuhan ng gobyerno ng Japan ang hindi na pagbibigay ng gobyerno ng China ng visa sa Japanese nationals.
Sa kanilang protesta, hiniling ng Japan na bawiin ng China ang desisyon.
Una nang inanunsiyo ng China ang pagsuspindi sa pagbibigay ng visa sa mga mamamayan ng Japan at South Korea bilang tugon naman sa mga hakbangin ng dalawang bansa ukol sa mga mula sa China dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID 19.
Sinabi ni Hirokazu Matsuno, ang tagapagsalita ng gobyerno ng Japan, ang tanging hakbang nila ay dapat sumailalim sa COVID 19 test ang mga biyahero bago umalis ng China at Macau at panibagong test bago sila papasukin ng Japan.
Aniya hindi nila pinagbabawalan ang pagpasok sa Japan ng mga mula sa China.
“We protested to China through diplomatic channels and demanded the removal of the measure,” aniya.