Walang tatanggalin na mga opisyal si Secretary Carlito Galvez Jr., sa Defense Department.
Kasunod ito nang pagsusumite ng mga undersecretaries at asssitant secretaries ng kanilang courtesy resigmations.
Sinabi ni Usec. Angelito de Leon hindi tinanggap ni Galvez ang pagbibitiw sa puwesto ng mga opisyal at inutusan niya ang mga ito na manatili lamang sa puwesto.
Dagdag pa ni de Leon mataas ang morale ng mga sundalo sa kabila nang umuugong na ‘destabilization plot’ na nagsimula nitong nakalipas na weekend.
Kasunod ito nang pagbabalik ni General Andres Centino bilang AFP chief of staff at pinalitan niya ang pumalit sa kanya na si Lt. Gen. Bartolome Bacarro.
Sinundan ito sa pagbibitiw sa puwesto ni Defense Sr. Usec. Jose Faustino Jr.
Sinabi pa ni de Leon na nais ni Galvez na ituloy ang One Defense Team sa hanay ng DND.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.