Extension ng SIM registration hindi ikinukunsidera ng DICT
Walang plano ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin ang deadline ng pagpaparehistro ng SIM.
Katuwiran ni Usec. Anna Mae Lamentillo mababa na lamang ang bilang ng mga reklamo at nagpapatuloy ang information campaign.
“We’re always willing to extend ito pong implementation period. Pero we’re doing our best first. Ito pong first 15 days natin is classified as a test period so I guess medyo mas mababa pa uptake. But we feel that masosolusyonan natin yan,” sabi pa nito.
Nabatid na ang Inter-Agency Response Center (IARC) ay nakatanggap ng 1,263 reklamo ukol sa SIM registration mula noong nakaraang Disyembre 27 at karamihan sa mga ito ay ukol sa proseso ng pagpaparehistro, gayundin ang pagbagsak ng website ng telcos.
Sinabi naman ni National Telecommunications Commission (NTC) officer-in-charge Ella Blanca Lopez na patuloy naman na pinagbubuti ng telcos ang kanilang mga sistema upang mabawasan ang mga aberya.
Samantala, may 16,150,926 SIMs na ang nairehistro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.