WATCH: Taxi bumangga sa dump truck, pasahero nasaktan

By Erwin Aguilon June 10, 2016 - 07:54 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Sugatan ang pasahero ng isang taxi matapos nitong mabangga ang likurang bahagi ng dump truck na nag U-turn sa bawal na lugar sa Mabini Brigde sa Maynila.

Ayon kay Joseph Brudo, driver ng R & E Taxi na may plate number AWD 165, pababa sya ng Nagtahan Bridge at patungo sana sa PICC para ihatid ang kaniyang pasahero.

Nagulat na lamang siya nang biglang sumulpot ang dump truck na nag U-turn sa mismong ibaba ng tulay.

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Sinabi ni Brudo na bagaman na kapreno siya ay bumangga pa rin ang taxi sa likurang bahaging truck.

Bawal ang mag U-turn sa nasabing lugar, katunayan mayroong gutter sa pagitan ng magkabilang linya na sinampahan ng dump truck para lamang makaikot.

Katwiran ni Mario Cabayan, driver ng truck, baguhan lamang siya sa nasabing trabaho at nakinig siya sa kaniyang mga kasamahan na nagsabing doon sila madalas umiikot.

Bahagya namang nasaktan ang pasahero ng taxi na si Greg Sarmiento matapos mauntog windshield at hindi na rin ito nakapunta sa PICC kung saan dadalo sana siya sa graduation ng kaniyang kapatid.

 

 

TAGS: passenger injured as taxi rams a dump truck in Manila, passenger injured as taxi rams a dump truck in Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.