Pangulong Marcos nagtalaga ng mga bagong opisyal sa gobyerno
By: Chona Yu
- 2 years ago
Ilan pang bagong opisyal ang itinalaga sa ibat ibang pwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Itinalaga ng Pangulo si Antonio Paolo Serrano Lim bilang bagong Assistant Secretary ng Office of the Senior Deputy Executive Secretary.
Itinalaga rin ng Pangulo si Manuel Lahoz Argel Jr. bilang Acting Member na magri-representa ng Employers’ Group sa
Social Security Commission Social Security System.
Itinalaga naman ng Pangulo si Lolibeth Ramit-Medrano bilang Commissioner ng Philippine Competition Commission.
Itinalaga rin ng Pangulo si Peter Anthony Joseph Felarca Felix bilang Assistant Secretary ng Office of the Senior Deputy Executive Secretary.
Lahat ng mga bagong appointee ay nanumpa na sa tungkulin ngayong araw, Enero 10, 2023.
Samantala, itinalaga rin ng Pangulo sina Michael Osmena ade Jesus bilang
Acting President and Chief Executive Officer, and Member, Board of Directors ng Development Bank of the Philippines.
Itinalaga rin ng Pangulo si Emmeline Calderon David at Maria Lourdes Laurel Avancena bilang mga acting member, Board of Directors ng DBP.