DA, FTI officials pinagpapaliwanag ng Ombudsman sa biniling P537/k ng sibuyas
By Jan Escosio January 10, 2023 - 02:27 PM
Hiningi ng Office of the Ombudsman ang paliwanag ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Inc. (FTI) sa pagbili sa mataas na presyo ng sibuyas sa isang kooperatiba.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martires nais niyang malaman ang katuwiran sa pagbili ng dalawang ahensiya ng P537 kada kilo ng sibuyas mula sa Modena Multi-Purpose Cooperative.
Sa sulat ni Martires sa mga opisyal, hihingiin niya ang paliwanag ng mga ito kung saan hinugot ang P140 milyon na ipinambili ng sibuyas.
Nabatid na ang FTI naman ang ginamit na ahensiya sa pagbili ng mga sibuyas mula sa kooperatiba.
Ang mga biniling sibuyas ay ipinagbili naman sa Kadiwa Stores sa halagang P170 kada kilo.
Nabatid na ang mga paliwanag ay magiging bahagi na ng isasagawang imbestigasyon ng Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.