2 milyong deboto nakiisa sa selebrasyon ng Poong Nazareno
Umabot sa 2 milyong deboto ang nakiisa sa selebrasyon ng Poong Nazareno sa Manila.
Ayon kay Father Earl Valdez, tagapagsalita ng minor Basilica of the Black Nazarene, naabot nila ang target crowd na 2 milyon.
Ayon kay Father Valdez, malayo ito sa 5 milyong target bago pa man tumama ang pandemya sa COVID-19.
Generally peaceful naman aniya ang pagdiriwang ng Poong Nazareno ngayong taon.
Matatandaang ilang taon nang kinansela ang “Traslacion” dahil sa pandemya. Ito ang tradisyunal na paglilipat ng imahe ng Poong Nazareno mula Quirino Grandstand patungo sa simbahan ng Quiapo.
Sa halip na “Traslacion,” “Walk of Faith” na lamang ang isinagawa ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.