Pagpapalit sa AFP leadership hindi dapat magdulot ng demoralisasyon – Pimentel

By Jan Escosio January 10, 2023 - 08:09 AM

 

Hindi sapat na dahilan ang pagpapalit ng liderato ng Department of National Defense (DND) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para magkaroon ng demoralisasyon sa hanay ng mga sundalo.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel matapos na palitan si Lieutenant General Bartolome Bacarro ni General Andres Centino bilang AFP Chief-of-Staff na sinundan ng pagbibitiw naman ni DND Officer-in-Charge Jose Faustino Jr. na pinalitan naman ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. bilang kalihim ng DND.

Ayon kay Pimentel, walang rason para magdulot ng pagbaba ng moral ng mga sundalo ang mga pagbabagong ito.

Katunayan, dati pa naman aniya ay madalas na ang mga balasahan sa pamumuno lalo na sa AFP na tinatawag ngang “revolving door”.

Magkagayunman, umaasa si Pimentel na wala naman sanang seryosong dahilan ang mga nangyayaring developments sa hukbong sandatahan at sa DND.

TAGS: galvez, news, Pimentel, Radyo Inquirer, galvez, news, Pimentel, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.