Magnitude 5.0 na lindol, tumama sa Nueva Vizcaya, naramdaman sa Baguio City
Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Nueva Vizcaya, ganap na alas-3:54 ng madaling araw ng Biyernes.
Unang naiulat na magnitude 5.2 ayon kay disaster scientist Mahar Lagmay.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 10 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Baguio City at Bayombong, Nueva Vizcaya.
Intensity IV naman sa Madella at Aglipay, Quirino.
Sa kabutihang palad ay wala pa namang naitalang anumang pinsala sa mga gusali o kaya nasaktan sa insidente.
Wala rin namang inaasahang aftershocks ang nasabing lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.