Quiapo district pinadedeklarang historical landmark

By Jan Escosio January 10, 2023 - 07:58 AM
Hiniling  ni Senator Lito Lapid na maideklarang historical landmark ang Quiapo District. Ayon sa senador matagal na ang pag-apila ng ‘heritage conservationists’ at mga residente ng distrito sa katuwiran na makasaysayan ang lugar, partikular na ang taunang kapistahan ng Poong Itim na Nazareno. Sa inihain niyang Senate Bill 1471 layon aniya nito  na ideklarang National Heritage Zone ang Quiapo dahil  sa mga lumang imprastraktura, mayamang kultura at bilang ito ang tahanan ng Minor Basilica ng Poong Itim na Nazareno. Sa ilalim ng Quiapo Heritage Zone Bill ay ipinatatag ang “third heritage zone” na sasakupin ang Quiapo Church, Plaza Miranda, San Sebastian Church, at Plaza del Carmen. Binigyang diin pa ng senador na isa lamang ang Feast of the Black Nazarene sa napakaraming okasyon na nagpapatunay ng mayamang kasaysayan, tradisyon at kultura ng Quiapo.

TAGS: history, Lito Lapid, Nazareno, news, quiapo, Radyo Inquirer, history, Lito Lapid, Nazareno, news, quiapo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.