Pagpupugay sa Poong Hesus Nazareno sa Quirino Grandstand itinigil na

By Jan Escosio January 09, 2023 - 10:00 PM

Alas-7 ngayon gabi nang ipatigil na ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo ang ‘Pagpupugay’ sa Qurino Grandstand.

Base ito sa pagtigil na ng mga deboto na pumunta sa Qurino Grandstand para makalapit sa isang imahen ng Poong Hesus Nazareno.

Ipinalit ang Pagpupugay sa tradisyonal na Pahalik at dito ay hinahayaan ang mga deboto na ipunas sa paa at krus ng imahen ang anumang piraso ng tela.

Base sa impormasyon mula sa Quiapo Church Operation Center hanggang alas-9 ngayon gabi, may 122,710 deboto ang nagtungo sa Qurino Grandstand.

Samantala, sa Quiapo Church naman ay may 538,400 deboto ang nagpunta at dumalo sa mga idinaos na oras-oras na Banal na Misa.

Alas-11 ngayon gabi itinakda ang huling Misa para sa Kapistahan ng Quiapo.

TAGS: Nazareno, pahalik, quiapo, Nazareno, pahalik, quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.