Sen. Imee Marcos kakausapin si PBBM Jr., sa planong importasyon ng sibuyas

By Jan Escosio January 09, 2023 - 09:47 PM

Nais ni Senator Imee Marcos na pag-aralan at pag-isipan ng husto ang binabalak na importasyon ng sibuyas.

Tiwala din ang senadora na batid ng kanyang nakakabatang kapatid, si Pangulong Marcos Jr., ang sitwasyon sa suplay at mataas na presyo ng sibuyas sa kasalukuyan.

” Yes, alam na rin nya yan na ang D.A. kinakailangan na mag-planning ng maige hindi pupuwede yung ganyan n aura-urada, ay may kulang pagkatapos biglang mag-iimport kaya nagkakagulo-gulo ang mga smuggler, importer, trader at ang nagmamanipula ng mga presyo kasi hindi naman ito nangyayari dati, bakit biglaan nagkakaganito?” ayon sa senadora.

Si Pangulong Marcos Jr., ang kasalukuyang kalihim ng DA at sabi pa ng senadora na kakausapin niya ito.

Pangamba aniya niya kapag nag-angkat ng sibuyas at sasabay sa ani ng mga lokal na magsasaka ay babagsak naman ang presyo nito.

” Kasi ang takot ko, papasok na yung ani ng local na sibuyas,   dalawa tatlong linggo e sasabayan na naman ng imported onions at  yung smuggling pa tuloy-tuloy pa rin ang pasok, alam naman natin yun. Kaya ito ang kinatatakutan natin, kontin plano, konting projection sa ating lokal,” dagdag pa ni Marcos.

 

TAGS: DA, importasyon, sibuyas, DA, importasyon, sibuyas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.