Walang nilulutong ‘destab plot’ sa AFP – PNP chief

By Jan Escosio January 09, 2023 - 07:30 PM

Kumbinsido si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr. na walang nililutong ‘destabilization plot’ sa militar.

“As far as the destabilization is concerned, I don’t think there is one,” anang hepe ng pambansang pulisya.

Nilinaw nito na ang combat helicopter na lumipad sa ibabaw ng Camp Crame ay sumasailalim sa maintenance check.

Nakapag-usap na rin aniya sila ni AFP Chief of Staff Andres Centino at aniya nagbigay sila ng katiyakan sa isat-isa na magkatuwang at magtutulungan ang pambansang pulisya at hukbong sandatahan para manatiling panatag ang administrasyong-Marcos Jr.

Samantala, sinabi din ni Azurin na pina-iimbestigahan na niya ang ‘full alert memorandum’ na mula sa isang opisyal sa Cordillera Administrative Regional Police Office.

Sinabi ni Azurin na aalamin kung may naging ‘security lapses’ sa naturang dokumento na naglagay sa PNP sa ‘full alert status’ dahil sa ‘destabilization plot’ sa AFP.

 

TAGS: AFP, breach in protocols, destabilization plot, PNP, AFP, breach in protocols, destabilization plot, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.