3,127 bagong kaso ng COVID 19, 507 kritikal – DOH
Mula noong Enero hanggang kahapon, araw ng Linggo, nakapagtala ng 3,127 bagong COVID 19 cases sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Kahapon, may 507 na napa-ulat na kritikal o malubha ang kalagayan sa mga ospital.
Sa inilabas na impormasyon ng kagawaran, sa 2,379 ICU beds na inilaan para sa mga pasyente na may COVID, 431 (18.1%) ang okupado.
Samantala, 4,185 o 21.6% naman ng 19,373 non-ICU beds sa ibat-ibang ospital ang okupado.
Sa nakalipas na isang linggo, ang daily average ng nagpopositibo sa sakit ay 447 na mababang siyam na porsiyento kumpara sa naitala sa sinundan na isang linggo (Disyembre 26 – Enero).
Sa naitalang bagong 79 na namatay, 17 ang binawian ng buhay noong Disyembre 26, 2022 hanggang kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.