Reporma sa CAAP inihirit ni Angara

By Jan Escosio January 09, 2023 - 03:24 PM

Pangmatagalang solusyon na ang kinakailangan at kabilang na dito ang pagpapalakas sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ito ang sinabi ni Sen. Sonny Angara matapos ang nangyaring insidente sa operasyon ng NAIA noong Enero 1 na nagdulot ng aberya sa halos 70,000 pasahero.

Ani Angara sa gagawing pagdinig ng Senate Committee on Public Services, dalawang punto ang dapat malinawan… ang pagpapanagot sa mga responsable at ang pagpapalakas sa kapabilad at CAAP.

Una nang inihain ng senador ang Senate Bill 1003 noong nakaraang Agosto.

“We first filed the bill way back in 2018 upon the recommendation of the Safe Travel Alliance, with inputs from CAAP. We refiled the the bill in the current 19th Congress in recogniton of the need to strengthen the CAAP as part of the efforts to ensure the safety, reliability and efficiency of air transport in our country,” aniya.

Dagdag pa ni Angara, 2008 pa nang mabuo ang CAAP kayat nararapat lang na magkaroon ng reporma para mapagbuti pa ang pamamahala sa ‘aviation industry’ sa bansa.

 

TAGS: CAAP, NAIA, Senate, CAAP, NAIA, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.