88,000 deboto nakibahagi sa ‘Black Nazarene Walk of Faith’

By Jan Escosio January 08, 2023 - 09:31 PM

Tinatayang 88,000 ang nakibahagi sa ‘Walk of Faith’, ang prusisyon sa pagselebra ng Pista ng Black Nazarene ngayon araw.

Nagsimula ang prusisyon alas-2 ng madaling araw at naglakad ang mga deboto ng dalawang oras mula Quirino Grandstand hanggang sa Simbahan ng Quiapo.

Sa prusisyon maraming deboto ang nagdala ng imahe ng Nazareno at kandila dahil sinuspindi pa rin ang Traslacion.

Bago pa ito, isinagawa nag ‘Pagpupugay,’ kung saan ipinahawak sa mga pumilang deboto ang bahagi ng krus ng Nazareno, na kapalit naman ng tradisyonal na ‘Pahalik.’

Ngayon hatinggabi ay iseselebra ang Misa Mayor sa Quirino Grandstand at ito ay  pangungunahan naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

 

 

TAGS: Nazareno, pahalik, quiapo, Traslacion, Nazareno, pahalik, quiapo, Traslacion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.