Unang ‘oil price rollback’ ngayon 2023 posibleng ikasa ngayon linggo

By Jan Escosio January 08, 2023 - 10:42 AM

Matapos ang pagtaas ng mga presyo sa pagpapalit ng taon at pagsalubong sa bagong taon, inaasahan na matatapyasan naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa pagpasok ng bagong linggo.

Sinabi ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad na inaasahan na ang price rollback sa diesel, gasolina at kerosene.

“Lahat ng products nakaambang magkaroon ng decrease,” aniya.

Nabatid na maaring P2.40 hanggang P2.60 ang mabawasa sa kada litro ng diesel at P0.50 hanggang P0.60 naman sa gasolina.

Noong nakaraang linggo,sa pagpasok ng 2023, umangat ng P2.90 ang presyo ng gasolina, P2.10 naman sa diesel at P3.05 sa kerosene.

 

TAGS: diesel, gasoline, kerosene, Price Rollback, diesel, gasoline, kerosene, Price Rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.