AFP chief of staff Centino balik trabaho na

 

Nagsimula nang magtrabaho bilang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines si General Andres Centino.

Mismong si Executive Secretary Lucas Bersamin ang naging presiding officer sa change of command ceremony sa Camp Aguinaldo, Quezon City ngayong araw, Enero 7, 2023.

Si Bersamin na rin ang nagbigay ng command symbol kay Centino.

PInalitan ni Centino si dating AFP chief of staff Lt. General Vicente Bacarro.

Una nang nagsilbi bilang AFP chief of staff si Centino noong Nobyembre 12, 2021 hanggang Agosto 8, 2022.

Magka-klase sa Philippine Military Academy “Maringal” Class of 1998 sina Centino at Bacarro.

Read more...