Mga gumagamit sa pangalan ni First Lady Liza Marcos, bilang na ang araw

 

 

Binalaan ni First Lady Liza Marcos ang publiko na gumagamit sa kanyang pangalan para maluklok sa puwesto.

Base sa video message ni Marcos, sinabi nito na wala siyang kinalaman sa pagtatalaga ng mga opisyal sa Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines.

Nakarating kasi sa kaalaman ni Marcos na may mga indibidwal na gumagamit ng kanyang pangalan para lamang maka-puwesto.

Babala ni Marcos, oras na malaman niya na may mga gumagamit sa kanyang pangalan, pagsasabihan niya ang asawang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag i-appoint sa puwesto.

“I just want everyone to know that I have nothing to with ISAFP. I don’t know the people involved. I have nothing to do with the appointments. I leave it up to my husband. And if I found out that somebody is using my name, I shall tell my husband not to appoint you, okay? I hope this is clear. I am sick and tired of people using my name,” pahayag ni Marcos.

Hindi naman tinukoy ni Marcos kung sinong mga indibidwal ang gumagamit sa kanyang pangalan.

Read more...