1,700 deboto dumagsa sa misa para sa Poong Nazareno sa Quirino Grandstand
Nasa 1,700 katao ang dumalo sa misa sa Quirino Grandstand sa Manila para sa Poong Nazareno.
Base sa ulat ng Quiapo Church Command Post, dagsa ang mga deboto simula sa pagbukas kaninang hating-gabi hanggang 9:00 ngayong umaga.
Si Father Hans Magdurulang ang nanguna sa misa.
Pagkatapos ng misa, isinagawa naman ang “Pagpupugay.”
Pinapayagan ang mga deboto na hawakan o punasan ng bimpo ang paa ng poong Nazareno kapalit ng tradisyunal na “Pahalik.”
Ipinagbabawal pa rin ng pamunuan ng Quiapo Church ang “Pahalik” dahil sa nagpapatuloy pa ang banta sa pandemya sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.