29 patay sa pag-aresto sa anak ni “El Chapo”

 

Patay ang 29 katao matapos magsagawa ng operasyon ang mga awtoridad para arestuhin ang anak ng  Sinaloa drug cartel na si Joaquin “El Chapo” Guzman sa Culiacan, Mexico.

Sa naturang bilang, 10 sundalo at 19 criminal suspects ang nasawi sa operasyon sa pag-aresto kay Ovidio Guzman o kilala sa palayaw na “El Raton.”

Tatlong eroplano ang nasira dahil sa operasyon.

Nabatid na si Ovidio na ang nagpapatakbo ng operasyon ng illegal na droga mula nang maaresto ang ama at ma-extradite sa Amerika noong 2017.

Sumailalim sa anim na buwang intelligence work ang mga awtoridad bago naaresto si Ovidio.

 

Read more...