Nanawagan si Senator Win Gatchalian sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na tugisin ang mga smugglers ng mga produktong-agrikultural na lubos na nagpapahirap sa mga magsasaka.
“Kaliwa’t kanan ang mga nakukumpiskang produktong smuggled pero wala pang nahuhuling malaking isda. Dapat masawata ang mismong mga “big fish” upang mahinto o mabawasan na ang iligal na pag-aangkat ng mga produkto,” aniya.
Sinabi nito na noong nakaraang Hunyo, inilabas pa ng Senate Committee of the Whole ang listahan ng mga hinihinalang sangkot sa large-scale agricultural smuggling.
“Prices of various farm products have gone up considerably due in part to rampant smuggling of agricultural products that have rendered local farm output practically uncompetitive, which, in turn, undermines the productivity of local farmers,” aniya.
Bukod sa pagpatay sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka, ayon kay Gatchalian, nawawalan din ng kita ang gobyerno sa smuggling.