Tondo hostage drama: Mag-iina sinukol sa bahay

By Jan Escosio January 06, 2023 - 09:30 PM

Napuno ng tensyon ang dalawang oras na pangho-hostage sa mag-iina sa kanilang apartment unit sa Tondo, Maynila ngayon gabi.

Sa paunang ulat, ala-6 nang pasukin ng isang alias Terry ang apartment unit ng mag-iinang Niezel Biroy, at anak niyang sina Candy, 12 at Holmes, 4 (kapwa hindi tunay na pangalan) sa Franco St., Barangay 86.

Armado ng kutsilyo ang suspek ayon sa testigong si Michael Tassara, residente ng naturang apartment building.

Tumagal ng dalawang oras ang negosasyon bago napasuko ng mga pulis ang suspek.

TAGS: hostage, MPD, Tondo, hostage, MPD, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.