Filipino na nagka-trabaho nadagdagan ng 4.2 milyon

Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio  Balisacan ang lumalakas na ‘labor force’ sa bansa ay patunay ng pagsigla ng ekonomiya.

Kasunod ito ng karagdagang 3.2 milyong Filipino na nagka-trabaho noong nakaraang Nobyembre.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), kasabay nito ang pagtaas sa 95.8 percent ng employment rate sa bansa.

“With the release of the Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028, we are starting our work toward deepening economic and social transformation,” ani Balisacan.

Samantala, sa mga nagka-trabaho noong Nobyembre, 2.5 milyon ay mga babae.

“We see a more dynamic labor market as flexible work arrangements and digitalization provide easier access to employment opportunities for Filipinos who also attend to other essential tasks such as parenting and pursuing higher education, among others,” dagdag pa ng opisyal.

Noong nakalipas na Nobyembre bumaba sa 4.2 percent ang unemployment rate sa bansa mula sa 6.5 percent noong Nobyembre, 2021.

 

 

Read more...