Resignation call ni Abalos sa PNP officials, may basbas ni Pangulong Marcos

By Chona Yu January 06, 2023 - 05:36 PM

 

May basbas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang utos ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng colonels at generals sa hanay ng Philippine National Police.

Ginawa ni Abalos ang utos na courtesy resignation matapos masangkot ang ilang pulis sa operasyon ng illegal na droga.

Ayon sa Pangulo, matagal na niyang plano na papagbitiwin sa puwesto ang mga pulis para masuri kung sino ang mga karapat dapat na ibalik sa puwesto

“Oh, yes. We were planning this for awhile. Well, let me be very clear. Remember, during the campaign, nung tinatanong ako kung ano ‘yung gagawin natin tungkol sa drug war or drug problem. This is it. We approach it in entirely differently way. Alam naman natin na ‘yung problema sa drugs hindi mangyayari ‘yan kung hindi kasabwat ‘yung mga iba diyan sa police. Kaya’t kailangan natin tingnan ng mabuti sino ba talaga ang kasabwat diyan, sino ba talaga ang involved, at sinong hindi na talaga pwedeng mag-serbisyo dahil associated na sila sa mga drug lord,” pahayag ng Pangulo.

Paliwanag ng Pangulo, bahagi ito ng paglilinis sa hanay ng PNP.

“So that is just — we are just cleansing the ranks and trying to see — and making sure that ‘yung mga opisyal na natitira sa atin, eh maaasahan natin at hindi nagtatrabaho — nagtatrabaho para sa gobyerno, hindi nagtatrabaho para sa ibang sindikato,” dagdag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, hindi naman maaring agad na kasuhan ang mga pulis dahil kulang pa ang ebidensya. Mahirap din aniya na ibase sa chismis ang kaso.

“Wala pa tayo roon. Kasi hindi pa natin na-identify. We are going to form a commission. We asked for the resignation, the courtesy resignations. We will form a commission and we will look into the records of all of the officers as we slowly reinstate those who are clear and maybe, we will have to decide what do we do with those that are implicated to being invovled in the drug trade. So ‘yung… Siguro ‘yung mga severe cases kakasuhan natin,” dagdag ng Pangulo.

“So we’ll see. We’ll see first. We’re not yet there. We’re not yet there.Because the senator is a top-notcher lawyer. He understands. We have to build a case. And ‘yung haka-haka lang, chismis-chismis lang. “Ito involved ito, ito involved diyan.” Dinaanan na natin ‘yan eh. Walang nangyari,” dagdag ng Pangulo.

Dapat aniyang tiyakin na selyado ang kaso para matiyak na maipapanalo at makukulong ang mga pulis na mapapatutunayang saabwat sa operasyon ng illegal na droga.

 

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, PNP, Radyo Inquirer, resign, resignation, Ferdinand Marcos Jr., news, PNP, Radyo Inquirer, resign, resignation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.