Pangulong Marcos nag-sorry sa airport glitch

 

Humingi ng paumanhin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pasaherong naapektuhan ng system glitch sa Manila International Airport noong Enero 1.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag limang araw matapos ang insidente.

Nag-inspeksyon ang Pangulo sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 para personal na alamin kung ano ang dahilan ng pagpalpak ng operasyon ng NAIA dahilan para maapektuhan ang mahigit 64,000 pasahero.

“Well, we of course, it is very unfortunate and this is not something — of course, none of us wanted this to happen and we have tried our best to support, to make sure that those who were affected and it is a large number,” pahayag ng Pangulo.

Hindi naman aniya nagpabaya ang mga awtoridad at binigyan ng “Malasakit kit” ang mga apektadong pasahero.

Binigyan din aniya ng pagkain ang mga apektadong pasahero.

“So now, I’m sorry. We, of course, we have to apologize to our kababayans who, especially those who came from abroad dahil limitado ang kanilang bakasyon. Nawala yung dalawa, tatlong araw eh. Alam naman natin, very valuable sa Pilipino ‘yung Christmas holiday. Kaya’t kami’y naghihingi — humihingi ng inyong paumanhin. Ngunit gagawin namin ang lahat na hindi na maulit ito,” pahayag ng Pangulo.

Paliwanag ng Pangulo, hindi ang uninterruptible power supply o UPS gaya ng sinasabi ng Department of Transportation ang sanhi ng aberya kundi ang circuit breaker sa suplay ng kuryente

Sa kabila ng aberya, sinabi ng Pangulo na balik na sa normal ngayon ang operasyon sa airport.

Pero kahit balik na sa normal ang operasyon, maraming trabaho pa aniya ang kailangan na gawin.

May mga technical at contractual problems pa aniya na kailangan na tugunan.

Utos ng Pangulo kay Transportation Secretary Jimmy Bautista, bilisan ang mga negosasyon sa mga supplier ng equipment para agad na maipatupad ang pag-upgrade sa software at hard ware sa mga kagamitan sa airport.

Kailangan aniyang mayroong back-up system sa airport para kahit na pumalya ay hindi magkakaaberya ang operasyon.

“I can say that considering how big the problem was, I think that our — the airport authorities, our Cabinet secretaries, and all those who were involved in returning the system back have done a reasonably good job at six hours is rather a short time considering how much needed to be done to get the system back up into working condition,” pahayag ng Pangulo.

 

 

 

Read more...