Bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong Nobyembre 2022.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, kaya nabawasan ang bilang ng mga walang trabaho dahil unti-unti nang lumalakas ang ekonomiya ng bansa.
Nabatid na nasa 2.18 milyon na lamang ang walang trabaho ng mga Filipino na nag-eedad 15 anyos pataas.
Mas mababa ito sa 2.24 milyon na naitala noong Oktubre 2022 at 3.16 milyon noong Nobyembre 2021.
Bumaba rin ang unemployment rate noong buwan ng Oktubre.
Mula sa 4.5 porsyento, nasa 4.2 porsyento na lamang ang unemployment rate. Mas mababa rin ito sa 6.5 porsyento na naitala noong Nobyembre 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.