Nangangailangan ng P409 milyon ang Department of Education (DepEd) para sa pagsasa-ayos ng mga paaralan sa Mindanao na napinsala ng pag-ulan at pagbaha.
Sa ulat ng kagawaran, may 42 paaralan ang napinsala, kabilang ang 30 sa Northern Mindanao, 11 sa Caraga at isa sa Zamboanga Peninsula.
Bukod dito, may pito pang paaralan ang ginagamit na evacuation center, lima sa Oroquieta City sa Misamis Occidental at dalawa sa Siargao, gayundin sa Surigao del Norte.
Base sa huling talaan ng NDRRMC, 52 katao na ang nasawi sa pagbaha at pag-ulan at may 18 pa ang nawawala.
Milyong-milyong pisong halaga ng mga imprastraktura at sa sektor ng agrikultura ang napinsala.
MOST READ
LATEST STORIES