Higit P409-M kailangan para sa mga eskuwelahang napinsala ng baha, ulan

By Jan Escosio January 06, 2023 - 10:21 AM

 

Nangangailangan ng P409 milyon ang Department of Education (DepEd) para sa pagsasa-ayos ng mga paaralan sa Mindanao na napinsala ng pag-ulan at pagbaha.

Sa ulat ng kagawaran, may 42 paaralan ang napinsala, kabilang ang 30 sa Northern Mindanao, 11 sa Caraga at isa sa Zamboanga Peninsula.

Bukod dito, may pito pang paaralan ang ginagamit na evacuation center, lima sa Oroquieta City sa Misamis Occidental at dalawa sa Siargao, gayundin sa Surigao del Norte.

Base sa huling talaan ng NDRRMC, 52 katao na ang nasawi sa pagbaha at pag-ulan at may 18 pa ang nawawala.

Milyong-milyong pisong halaga ng mga imprastraktura at sa sektor ng agrikultura ang napinsala.

TAGS: deped, Mindanao, news, Radyo Inquirer, ulan, deped, Mindanao, news, Radyo Inquirer, ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.