Sinabi ng isang opisyal ng Department of Agriculture (DA) na inaasahan na libo-libong metriko tonelada ng sibuyas ang aanihin sa bansa ngayon buwan.
Ngunit ayon kay Asec. Rex Estoperez magbabantay pa rin kung ano ang magiging epekto nito sa pangangailangan sa sibuyas sa bansa.
“Based on the estimate dun sa Bureau of Plant Industry, mga 19,000 metric tons ang papasok na harvest ng sibuyas,” ani Estoperez.
Sa kabila nito nananatili sa P300 kada kilo ang farmgate price ng sibuyas.
Hindi rin makapagbigay ng katiyakan ang kagawaran kung bababa ang presyo kapag umabot na sa mga merkado ang mga sibuyas.
MOST READ
LATEST STORIES