Ito’y matapos siyang ireklamo ng composer na sina Martin Harrington at Thomaas Leonard dahil sa pagkapareho umano ng ilang bahagi ng naturang kanta sa kanilang komposisyon na ‘Amazing’.
Sa kanilang complaint, iginiit nina Harrington at Leonard na kung ipaghahambing ang kanta ni Sheeran na ‘Photograph’ at ang kanilang awiting ‘Amazing’, mapapansin ang pagkakahawig ng ilang ‘chord’ nito.
Sa kanilang mga inihaing dokumento sa federal court of California, sinabi ng dalawa na halos magkapareho ang ‘chorus’ na bahagi ng dalawang awitin.
Gayunman, 2009 pa nila aniya nabuo ang kanilang kanta gayung 2014 lamang lumabas ang kanta ni Sheeran.
Giit ng dalawang kompositor, dapat magbayad si Sheeran ng damages dahil sa pangongopya ng kanilang komposisyon bukod pa sa pagbabayad ng royalties sa kinita ng awitin ni Sheeran.
Ang kantang ‘Photograph’ ni Sheeran ay nakabenta ng mahigit 3.5 milyong kopya simula nang i-release ito noong 2014.
Ang music video ng kanta ay umani na ng mahigit 208 milyong views sa Youtube samantalang ang ‘Amazing’ naman nina Harrington at Leonard ay mayroong isang milyong views.