4 ex-DA officials na isinasabit sa sugar importation fiasco, inabsuwelto ng Palasyo

By Jan Escosio January 05, 2023 - 01:05 PM

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Ibinasura ng  Office of the President (OP) ang reklamong administratibo laban sa dating apat na opisyal ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa kontrobersyal na kautusan para sa importasyon ng 300,000 metriko tonelada ng asukal noong nakaraang Agosto.

Sa 10-pahinang resolusyon, inabsuwelto ng tanggapan ni Pangulong Marcos Jr., sina  suspended Agriculture Usec. Leocadio Sebastian, resigned Sugar Regulatory Administration (SRA) chief Hermenegildo Serafica, at SRA board members Rolando Beltran and Aurelio Gerardo Valderrama Jr., kaugnay sa pag-apruba nila sa  Sugar Order No. 4.

Inaprubahan ni  Executive Sec. Lucas Bersamin noong  Disyembre 29.

Magugunita na sinampahan ng mga reklamong  grave misconduct, gross/serious dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service ang apat na opisyal.

Ngunit una nang isinalarawan ng Malakanyang ang  SO No. 4 na  ilegal at itinatwa ni Pangulong Marcos Jr., na nagsisilbi din kalihim ng DA at board chairman ng SRA.

Nasabit din sa kontrobersiya si dating Executive Sec. Vic Rodriguez at ito ay kabilang sa mga ipinatawag sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

TAGS: asukal, Blue Ribbon Commitee, DA, import, SRA, asukal, Blue Ribbon Commitee, DA, import, SRA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.