14 bilateral deals sinelyuhan ng Pilipinas at China

Nalagdaan  ang 14  kasunduan sa state visit ni Pangulong  Marcos Jr. sa China. Kabilang  ang 2023-2025 action plan ng China at Pilipinas sa agricultural at fisheries cooperation sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) at China’s Ministry of Agriculture and Rural Affairs. Nalagdaan din ang memorandum of understanding (MOU) on cooperation sa Belt and Road Initiative (BRI), na inilunsad noong 2013 para sa  global infrastructure development strategy na layong mamuhunan sa 150 na bansa at international organizations. Layunin din nito na mapalakas pa ang  connectivity at maging maayos ang kalakalan sa Asya, Europa at Africa. Naselyuhan din ng Manila at Beijing ang  handover certificate ng Philippine-Sino Center for Agricultural Technology-Technological Cooperation Phase III (PHILSCAT-TCP III), ang  MOU sa pagitan ng Ministry of Industry and Information Technology ng China at  Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa digital and information and communications technology (ICT) cooperation. Napagkasunduan din ang  handover certificate ng dalawang  China-aid bridge projects sa Maynila, ang Binondo-Intramuros bridge at Estrella-Pantaleon bridge. Napagkasunduan din ng dalawang bansa ang framework agreement para sa Renminbi-portion ng loan financing para sa tatlong priority projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Nagkasundo rin ang Pilipinas at China sa implementasyon ng MOU sa turismo sa pagitan ng Philippines’ Department of Tourism (DOT) at  Ministry of Culture and Tourism of China. Naselyuhan din ang MOU sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Ministry of Commerce of China on electronic commerce cooperation pati na ang MOU sa pagitan ng National Economic and Development Authority (NEDA) at China’s International Development Cooperation Agency ukol sa  Development Cooperation Plan 2023-2025; at agreement sw economic at technical cooperation. Naselyuhan din ang mutual recognition agreement sa pagitan ng  General Administration of Customs of China at  Bureau of Customs (BOC) ng Pilipinas na nag aawtorisa sa  economic operator program, at pagtatag sa   communication mechanism sa maritime issues sa pagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at Ministry of Foreign Affairs ng China.

Read more...