Umangat pa sa 8.1 porsiyento noong Disyembre ang inflation rate sa bansa mula sa 8.0 porsiyento noong Nobyembre.
Sa inilabas na impormasyon ng Philippine Statistics Authority (PSA), ito ang pinakamataas noong 2022 at simula noong Nobyembre 2008.
Sa pagkukumpara, noong Disyembre 2021 ang inflation rate ay 3.1 porsiyento.
Ang mataas na inflation rate ay patunay na mataas ang presyo ng mga bilihin noong nakaraang Kapaskuhan, partikular na sa mga pagkain.
Umangat din sa 7.0 porsiyento mula sa 6.5 porsiyento noong Nobyembre ang bayad sa ‘restaurants and accomodation services.’
Nakapag-ambag din ang pagtaas sa bayad at presyo sa bahay, tubig, kuryente at mga produktong-petrolyo.
Ang naitalang 8.1 porsiyento na inflation rate ay pasok naman sa ‘forecast range’ ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 7.8 – 8.6 porsiyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.