Hillary Clinton, inendorso ni President Obama

By Jay Dones June 10, 2016 - 02:31 AM

 

Mula sa Inquirer.net/AP

Si Hillary Clinton ang inendorso ni US President Barack Obama sa US Presidential race.

Ang desisyon ni Obama ay inihayag nito sa isang video message na inilabas ni Clinton sa kanyang Facebook page.

“I don’t think there’s ever been someone so qualified to hold this office.”

“I am fired up, and I cannot wait to get out there to campaign for Hillary,” mensahe pa ni Obama.

Kasabay ng pag-endorso sa pagka-pangulo, hinikayat din ni Obama ang lahat ng mga Democrats na magkaisa sa pagboto sa kanilang presumptive nominee upang hindi makalusot si Donald Trump na kandidato ng kalabang Republican Party.

Giit nito, masyadong malaki ang nakataya sa halalan kaya’t dapat na isantabi na muna ang pagkakawatak-watak upang maipanalo ng Democrats ang eleksyon sa Nobyembre.

Una rito, nakipag-usap muna si Vermont Sen. Bernie Sanders na kalaban ni Clinton sa paghahanap ng nominasyon bilang Democratic party nominee kay Obama.

Bagamat hindi inendorso si Clinton, nangako si Sanders na makikipagtulungan sa kanilang partido upang matiyak na hindi mananalo sa eleksyon si Trump.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.