CAAP sa Defense Department: NAIA technical glitch hindi cyber attack

By Jan Escosio January 04, 2023 - 04:09 PM

PDI PHOTO

Niliinaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang nangyaring malaking aberya sa operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong unang araw ng bagong taon ay hindi maiuugnay sa anumang ‘cybercrime.’

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), naabisuhan na ng CAAP ang Department of National Defense ukol sa kanilang posisyon na hindi maaring manipula mula sa ‘labas; ang nagka-aberyang kagamitan.

Gayunpaman, magsasagawa pa rin ng pagsusuri ang ‘cyber security experts.’

Kahapon, nagpaliwanag ang CAAP sa ilang miyembro ng gabinete hinggil sa nangyaring ‘glitch’ at napagkasunduan na may pangangailangan para sa ‘upgrading’ ng mga gamit ng ahensiya.

Nagpahayag na si Information and Communications Sec. Ivan Uy na suportahan ang CAAP sa isasagawang ‘system upgrade.’

Sinabi naman ni National Security Adviser Clarita Carlos na dapat ay ideklara na mahalaga sa pambansang seguridad ang mga kagamitan ng CAAP.

 

TAGS: cyber attack, DND, dotr, NAIA, Security, cyber attack, DND, dotr, NAIA, Security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.