Bilang ng mga biktima ng paputok patuloy sa pagdami
Padami pa nang padami ang mga biktima ng mga paputok sa pagsalubong sa bagong taon, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa update ng kagawaran, 277 na ang nadisgrasya sa ibat-ibang uri ng mga paputok base sa mga impormasyon mula sa mga ospital sa bansa.
Mula sa naitala kahapon, 15 pa ang nadagdag sa bilang at ito ay 49 porsiyento ng mas mataas kumpara sa naitala noong nakaraang taon.
Pinakamarami sa Metro Manila sa bilang na 131, sumunod ang 25 na naitala sa Region 6.
Samantala, marami rin sa mga nasugatan ay bunga ng kwitis, sunod ang paggamit ng boga, 5 star at fountain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.