Mga witness na nasa WPP ng DOJ, malayang makalabas oras na maupo sa puwesto si Duterte

By Chona Yu June 09, 2016 - 08:16 PM

DOJ-660x495Malayang makalalabas ang mga witness na nasa Witness Protection Program ng Department of Justice.

Ito ay kung pakiramdam nila ay hindi na sila ligtas sa pagpasok ng administrasyon ni Incoming President Rodrigo Duterte.

Ayon kay Justice Secretary Emmanuel Caparas, voluntary ang pagpasok ng mga witness sa WPP kung kaya voluntary rin ang paglabas nila.

Nabatid na ilang witness laban sa mga kaso ng dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang natatakot na umano sa pag upo ni Duterte.

Una nang sinabi ni Duterte na handa siyang palayain na si Arroyo na ngayon ay naka hospital arrest dahil sa kasong plunder.

Bukod dito nangangamba rin ang ilang witness lalo’t napili ni Duterte si dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Hermogenes Esperon na dating close ni Arroyo na maging National Security Adviser.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.