Parañaque LGU nagpaliwanag sa tambak na basura

By Jan Escosio January 03, 2023 - 06:39 PM

Paranaque PIO FB Photo

Bunga ng pagpapalit ng contractor ang ibinigay na dahilan ng pamahalaang-panglungsod ng Parañaque sa hindi makolektang basura ng nagdaang Kapaskuhan.

Nabatid na ang Metrowaste Solid Waste Management Corp., na ang bagong garbage collector ng lungsod at hindi na ang Leonel Waste Management Corp., ayon sa scoial media post ng Public Information Office (PIO).

Inuuna muna rin na makolekta ang mga naipon na basura sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.

Kasunod nito ay kokolektahin na rin ang mga basura sa mga ‘inner roads.’

Humingi na ng paumanhin at pang-unawa ang lokal na pamahalaan hinggil sa mga naipon na basura sa mga nakalipas na selebrasyon.

TAGS: Basura, kapaskuhan, Paranaque, Basura, kapaskuhan, Paranaque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.