Comelec magtutungo sa Kalayaan Island para sa voter registration

By Chona Yu January 03, 2023 - 05:11 PM

Photo credit: Office of Comelec Chairman Garcia

 

Bibisitahin ng Commission on Elections ang Kalayaan Island at iba pang malalayong lugar sa baansa para hikayatin ang publiko na magparehistro sa susunod na eleksyon.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, magtutungo rin ang kanilang hanay sa Batanes at Tawi-tawi Islands.

Layunin aniya ng kanilang hanay na maitaas ang kaalaman ng publiko na magpa-rehistro at samantalahin ang programang “Register Anywhere Program.”

Sa ilalim ng naturang programa, maaring magpa-rehistro ang isang botante sa kahit na saang lugar sa bansa mula noong Disyebre 17, 2022 hanggang Enero 25, 2023.

Matatapos ang voter registration ng Enero 31, 2023.

 

TAGS: batanes, Kalayaan island, news, Radyo Inquirer, tawi-tawi, voter registration, batanes, Kalayaan island, news, Radyo Inquirer, tawi-tawi, voter registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.