Nadagdagan pa ang utang bansa sa buwan ng Nobyembre. Ayon sa Bureau of Treasury, nasa P13.64 trilyon na ang kabuuang utang ng gobyerno. Tumaas ito ng P3.15 bilyon kumpara sa utang ng bansa noong katapusan ng Oktubre. Ayon sa Bureau of Treasury, nakatulong ang pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar para hindi mas lumaki ang utang ng national government sa naturang buwan Samantala, sinabi rin ng Bureau of Treasury na kung ikukumpara sa utang ng pambansang gobyerno sa pagtatapos ng taong 2021, mas mataas ang kabuuang utang nitong Nobyembre ng P1.92 trilyon.
MOST READ
LATEST STORIES